516 PASYENTE NA NG COVID-19 NAISALBA NG DOKTOR

Covid-19 patient

MAYNILA-PATULOY na nadaragdagan ang bilang ng mga gumagaling na pasyente ng coronavirus disease (COVID-19) kumpara sa mga nasawi.

Sa katunayan, kahapon ay 29 na dinapuan ng coronavirus ang nakarekober at pinauwi na mula sa hospital confinement.

Sa kabuuan, umakyat na sa 516 na pasyente ang gumaling.

Samantala, sa Department of Health COVID-19 case bulletin number 35, pumalo na sa mahigit 6,000 ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa DOH, hanggang alas-4:00 ng hapon noong Sabado ay nakapagtala pa sila ng 209 bagong kaso ng sakit, sanhi upang umakyat na sa 6,087 ang bilang ng confirmed COVID-19 patients sa bansa.

Nadagdagan rin naman ng 10 ang bilang ng mga namatay dahil sa karamdaman, at umakyat na sa kabuuang 397 ngayon. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.