(520 earthquakes naitala mula noong Linggo) TAAL VOLCANO: GENERALLY WEAKER

Taal Volcano

BATANGAS- HUMINA na ang pag-aalboroto ng Taal Volcano sa loob ng 24 oras na nangangahulugan na hindi na mapanganib ito, ayon sa Philippine Institute of Volcano­logy and Seismology (Phivolcs).

Gayunman, nananatili pa rin ang alert level 4 sa paligid ng bulkan na nangangahulugang inaasahan pa rin ang “ha­zardous explosive eruption” sa mga susunod na araw.

“For the past 24 hours, Taal Volcano’s activity has been characterized by continuous but generally weaker of the main crater due to magmatic and hydrovolcanic processes,” ayon sa 8AM bulletin ng Phivolcs.

Umabot sa 1,000 meter ang taas ng abo na ibinuga ng bulkan habang naitala ang pagbibitak sa mga barangay ng Sinisian, Mahabang Dahilig, Dayapan, Palanas, Sangalang, Poblacion, Mataas na Bayan sa Lemery; Brgy. Pansipit, Bilibinwang sa Agoncillo; Poblacion 1, Pob­lacion 2, Poblacion 3, Poblacion 5 sa Talisay; at sa Poblacion sa San Nicolas.

Nakitaan din ng pagbibitak ang mga bayan ng Agoncillo at Laurel sa Batangas.

Batay pa rin sa Phivolcs, ang paggalaw ng magma sa istraktura ng bulkan ay maaaring magdulot ng pagbibitak.

Umabot na rin sa 520 ang pagyanig o volcanic earthquakes simula noong Linggo, Enero 12, habang ang 156 pag-uga ay naramdaman sa Intensity 1 hanggang Intensity 5.

“Such intense seismic activity probably signifies continuous magma­tic intrusion beneath the Taal edifice, which may lead to further eruptive activity,” ayon sa Phivolcs.

Samantala, naitala naman ang bahagyang tensiyon sa pagitan ng mga pulis, sundalo at mga residente nang magtangka ang huli na magsibalik sa kanilang tahanan. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM