5,221 BAGONG KASO NG COVID-19

INIULAT  ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa sila ng bagong 5,221 bagong kaso ng COVID-19 sa Filipinas sa araw ng Huwebes.

Batay sa case bulletin no. 488, sinabi ng DOH na umaabot na ngayon sa 1,490,665 ang total COVID-19 cases sa bansa.

Sa naturang kabuuang bilang, 3.1% na lamang naman o 45,495 ang aktibong kaso, kabilang dito ang 91.4% na mild cases, 2.8% severe cases, 2.1% asymptomatic, 1.96% na moderate at 1.7% na kritikal.

Nadagdagan naman ang bilang ng mga gumaling sa karamdaman ng 4,147 bagong recoveries kaya’t umaabot na ngayon sa kabuuang 1,418,856 ang total COVID-19 recoveries sa bansa, o 95.2% ng total cases.

Samantala, maging ang mga namatay dahil sa kumplikasyon sa sakit ay nadagdagan ng 82.
Dahil dito, 26,314 na ang death toll ng COVID-19 sa Filipinas o 1.77% ng total cases. Ana Rosario Hernandez

50 thoughts on “5,221 BAGONG KASO NG COVID-19”

Comments are closed.