5,234 COPS IDINEPLOY VS TS ENTENG

KABUUANG 5,234 pulis ang idineploy ng Phi­lippine National Police (PNP) para umalalay sa mga biktima ng pananalasa ng Bagyong Enteng na nakaapekto sa 26 lalawigan at sa Metro Manila.

Karamihan sa naapektuhan ay sa Rizal, Bicol region dahil sa pagbaha at landslides habang mayroon dalawa ang nasawi  sa landslides sa Cebu.

Sa press briefing kahapon sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief and Spokesperson Col. Jean Fajardo na nitong alas-8 ng gabi,Setyembre 1, batay sa utos ng National Disaster Risk Reduction Management Council ay pinagana na ang 11 response cluster kasama ang  law enforcement agency cluster kung saan ang PNP ang mangu­nguna.

Aniya, kasama sa law enforcement agencies cluster ang Armed forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, National Bureau of Investigation at iba pang ahensiya ng pamahalaan sa ilalim ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Batay naman sa direktiba ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Maribil, inatasan nito ang mga regional directors na i-activate na ang Regional Disaster Incident Management Task Group upang  matiyak na masusundan ang management protocol sa pagtugon sa disaster response.

EUNICE CELARIO