524 PASAWAY SINITA SA PNP METRO-NORTH

ordinansa

CALOOCAN CITY – UMABOT sa 524 indibiduwal ang nalambat ng mga awtoridad dahil sa paglabag sa iba’t ibang ordinansa sa mag-damag mula sa apat na lungsod sa Northern Metro area.

Sa isinumiteng report  kay  NPD Director P/Chief Supt. Rolando Anduyan, 249 ang hinuli sa iba’t ibang barangay sa Caloocan City.

Nasa 78 katao ang dinakip sa paglabag sa drinking in public place, 38 sa smoking ban, 25 sa half naked in public, 88 sa curfew ng mga menor de edad at stoning riot/gang war na 20.

Sa Malabon City, 55 katao ang hinuli, anim ang lumabag sa pag-inom ng alak sa kalsada, 16 sa mga walang damit pang-itaas, walo sa curfew sa mi-nors at 16 sa riot.

Isa lang sa Navotas City ang nadakip sa paglabag sa ordinansa na half naked in public place.

Sa Valenzuela City, dalawa ang dinampot sa drinking in public place, siyam sa smoking ban, anim ang nag-violate sa curfew at 193 naman sa gang war o stoning incidents, na pinakamaraming naaresto sa  Navotas, Caloocan at Malabon.

Ayon kay Director Anduyan, kasama sa kanilang tinututukan ang iba’t ibang ordinansa na ipinatutupad ng local government units sa Camanava area, lalo pat nalalapit na ang Kapaskuhan. EVELYN GARCIA

Comments are closed.