5,240 BAGONG RECOVERIES SA COVID-19

INIULAT  ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa sila ng 4,516 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa hanggang 4:00 ng hapon ng Martes.

Batay sa case bulletin no. 493 na inisyu ng DOH, nabatid na dahil sa mga bagong kaso ng sakit ay umaabot na ngayon sa 1,517,903 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa naturang bilang, 3.1% na lamang naman o 46,806 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman, kasama rito ang 91.7% ang mild cases, 2.7% ang severe, 2.1% ang asymptomatic, 1.90% ang moderate at 1.6% ang critical.

Nakapagtala rin ang DOH ng 5,240 mga pasyente na gumaling na rin mula sa karamdaman.

Dahil dito, kabuuang 1,444,253 na ang COVID-19 recoveries sa bansa o 95.1% ng total cases.

Samantala, mayroon namang 58 pasyente pa ang sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa komplikasyon ng COVID-19.

Sa ngayon, nasa 26,844 na ang COVID-19 death toll sa Filipinas o 1.77% ng total cases. Ana Rosario Hernandez

5 thoughts on “5,240 BAGONG RECOVERIES SA COVID-19”

Comments are closed.