527.62-M MT TOTAL PALAY PRODUCTION SA MUNDO

palay seeds

POSIBLENG  umabot sa 527.62 million MT ang kabuuang produksyon ng palay sa buong mundo ngayong taon.

Ayon sa United States Department of Agriculture (USDA), ang naturang projection ay bahagyang mas mataas kumpara sa 527.60 million MT na naging produksyon sa buong mundo noong nakalipas na taon.

Ang pagtaas ay dahil na rin sa mas malawak na sakahan sa India na tinamnan ng mga palay.

Sa kasalukuyan, ang mga pangunahing bansa na may mataas na produksyon ng palay ay ang China, India, Bangladesh, at Indonesia, at Vietnam.

Samantala, nalagpasan na ng National Food Authority ang upgraded palay procurement target nito sa unang anim na buwan ng taon, sa pamamagitan ng mga hakbang ng NFA Council sa pangunguna naman ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. na taasan ang buying prices, palakasin ang national buffer stock at pataasin ang kita ng mga magsasaka.

Noong Hunyo 13, ang palay procurement ng NFA ay umabot sa halos 3.37 milyon na 50-kilo na sako, bahagyang mataas sq upgarded target na 3.36 milyong sako.

Sa ngayon, ang kabuuang imbentaryo ay sapat na para masakop ang apat na araw na national bufferstock sakaling magkaroon ng emergencies o kalamidad.

Pinagtibay ni NFA Acting Administrator Larry Lacson ang pangako ng ahensya na ipagpapatuloy ang pagbili ng palay sa mas mataas na presyo kaysa sa mga negosyante, na tumutugon naman sa mga panawagan ng mga magsasaka para sa patuloy na suporta.
MLUISA GARCIA