KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na may 53 lugar na sa bansa, kabilang ang 11 lugar sa Metro Manila, ang nasa ilalim na ngayon ng Alert Level 4 dahil sa pagtaas ng bilang ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 at hospital bed utilization.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kabilang sa 11 lugar sa Metro Manila na nasa pinakamataas na alert level sa COVID-19 ay ang Las Piñas, Malabon, Makati, Marikina, Muntinlupa, Navotas, San Juan, Pateros, Quezon City, Taguig, at Valenzuela.
“The National Capital Region maintains positive two-week growth rate and a high-risk average daily attack rate (ADAR) and is currently at high-risk case classification,” ayon kay Vergeire.
Samantala, ang iba pang lugar na nasa Alert Level 4 din ay ang Apayao, Baguio City, at Benguet sa Cordillera Administrative Region; Dagupan City at Ilocos Norte sa Region 1; Cagayan at Quirino sa Region 2; Angeles City, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Olongapo City, at Zambales sa Region 3; Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, Lucena City, at Rizal sa Region 4A.
Kasama rin ang Naga City at Masbate sa Region 5; Aklan, Antique, Guimaras, Iloilo, at Iloilo City sa Region 6; Bohol, Cebu, Cebu City, Lapu-Lapu City, at Siquijor sa Region 7; Ormoc City at Tacloban City sa Region 8; Bukidnon, Cagayan De Oro City, Camiguin, Lanao Del Norte, at Misamis Oriental sa Region 10; Cotabato (North Cotabato), General Santos City, at South Cotabato sa Region 12 at Agusan del Sur sa Caraga Region.
Ayon sa DOH ang Alert Level 4 ay nangangahulugan na ang isang lugar ay klasipikado sa moderate- to critical-risk at ang healthcare utilization rate nito ay mas mataas sa 70%.
Kaugnay nito, iniulat naman ni Vergeire na ang bansa ay nakapagtala na ng average na 10,459 bagong kaso ng COVID-19 kada araw mula Agosto 6 hanggang 12, na malaking pagtaas mula sa dating average na 7,987 lamang noong nakaraang linggo o mula Hulyo 30 hanggang Agosto 7.
Nabatid na huling nakapagtala ng peak na 10,845 kaso ng COVID-19 ang bansa noong Abril 9 hanggang 15.
Klasipikado pa rin naman ang bansa bilang high-risk area sa COVID-19 matapos na makapagtala ng two-week case growth rate na 60%, ADAR na 8.37 cases per 100,000 population, healthcare utilization rate na 58.81%, at ICU occupancy rate ba 68.08%. Ana Rosario Hernandez
129929 500159Its actually a cool and beneficial piece of info. Im glad which you simply shared this useful data with us. Please stay us informed like this. Thank you for sharing. 814335
980918 961999Oh my goodness! an incredible post dude. Thank you Nonetheless Im experiencing challenge with ur rss . Don know why Unable to subscribe to it. Is there anyone acquiring related rss drawback? Anybody who knows kindly respond. Thnkx 603511
903957 177360Ill create a hyperlink towards the web page about my personal weblog. 80061
632012 677160I agree with most of your points, but a couple of need to have to be discussed further, I will hold a small speak with my partners and perhaps I will appear for you some suggestion soon. 523405