53% NG PAMAHALAANG LOKAL DI’ MAKASUNOD SA BATAS PANGKALIKASAN

DILG Seretary Eduardo Año

AABOT sa 95 pamahalaang lokal o 53 porsiyento ng 178 pamahalaang lokal sa Metro Manila, Rehiyon III at IV-A sa loob ng Manila Bay Watershed Area ang bigong sumunod sa mga batas pangkalikasan,  ayon sa pagsusuri ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, batay sa 2018 Regional Inter-Agency Committee table assessments at on-site inspections, ang mga pamahalaang lokal na ito ay hindi pumasa sa pagsukat sa kanilang pagtupad sa mga batas pangkalikasan at 16 sa kanila na may pinakamalalang problema ang bibigyang prayoridad ng kagawaran.

Sa 95 pamahalaang lokal na hindi pumasa sa pagsusuri, 56 ay mula sa Gitnang Luzon; 37 mula sa Calabarzon; at dalawa mula sa National Capital Region (NCR).

Ngunit pinaalalahan din ng kalihim ang mga pamahalaang lokal na hindi makikipagtulungan sa mga hakbangin ng DILG sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

Sinabi ni Año na depende sa pagsusuri ang pagtulong na maaaring maipagkaloob ng DILG tulad ng capacity development, workshops, coaching, mentoring, bukod sa iba pa, upang tiyakin na matupad ng mga pamahalaang lokal ang kanilang mandato.

Balak ding magtatag ng DILG Chief ng DILG Manila Bay Rehabilitation Task Force na bubuuin ng Law Enforcement and Security Task Group; Barangay Clean-up and Enforcement Task Group; Informal Settler Families Relocation Task Group; LGU Supervision and Capacity Development Task Group; at Inspection and Permit Issuance Task Group.  PAULA ANTOLIN

Comments are closed.