MAYNILA-MAHIGIT 53 pasyente ang naitala ng Department of Health (DOH) na gumaling na mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa virtual presser noong Martes ng hapon, sinabi ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na hanggang 4:00 ng hapon ng Abril 14, ay umabot na sa 295 ang bilang ng mga pasyenteng nakarekober na mula sa virus.
Nakapagtala rin aniya sila ng panibagong 291 confirmed COVID-19 cases ng virus, sanhi upang mula sa dating 4,932 ay umabot na sa 5,223 ang mga kaso ng sakit o may patient ID # na PH4933-PH5223.
Samantala, 20 pasyente pa naman ng virus ang binawian ng buhay dahil sa karamdaman sanhi umakyat na sa 335 ang total death toll ng COVID-19. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.