NAG-DONATE ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng 53 Patient Transport Vehicles (PTVs) para sa may 53 benepisyaryong local government units (LGUs) at mga pagamutan sa bansa.
Pinangunahan ni PCSO General Manager Royina Marzan-Garma ang pag-turnover ng mga naturang PTVs na idinaos ganap na 11:00 ng umaga sa Nissan North EDSA, Quezon City.
Nabatid na ito na ang pinakamalaking release ng PCSO ng PTVs para sa taong 2020, sa ilalim ng kanilang Charity Program.
Ayon kay Garma, kabilang sa mga nakatanggap ng PTVs ay 50 LGUs at tatlong pagamutan.
Sinabi ni Garma na ang mga naturang PTVs ay 100 porsiyentong donasyon ng PCSO sa mga recipients, hindi katulad noong dati na ang mga LGUs ay required na magbigay pa ng share na 40% ng halaga ng PTVs depende sa kanilang klasipikasyon.
Nabatid na ang halaga ng bawat unit ng Nissan Urvan PTVs ay P1,585,063 kabilang ang detachable patient bed nito.
Bukod naman aniya sa donasyong PTVs, tiniyak ni Garma na ang PCSO ay wala pa ring humpay sa pagkakaloob ng tulong, hindi lamang sa LGUs at mga ospital, kundi maging sa mga Pinoy sa buong bansa, sa pamamagitan ng kanilang Medical Access Program (MAP), Calamity Assistance Program, Medicine Donation Program, Endowment Fund Program, at marami pang iba.
“PCSO continuously lives up to its mandate of raising funds to support the medical related needs of our country and the Filipino people. Through these PTVs, we want to help other LGUs, government hospitals, and institution in its provision of medical service particularly to transporting patients to hospitals thereby giving our fellow Filipinos immediate access to medical service that they bees. By doing this, we were able to enhance and make more effective and efficient the delivery of health services of our local governments to its constituents,” ani Garma.
” The PCSO’s charity programs are dependent on the revenuea earned by the agency’s gaming products such as STL, Lotto, Keno, and Sweepstakes. In short, PCSO can give more if our products earn more. Thus we need the support of our countrymen to patronize all our gaming products. Your P20 can go a lomg way. You get the chance of becoming a millionaire and you are definitely sure of the opportunity to help your fellow individuals across the country through PCSOs charity progeans like Patient Transport Vehicles,” dagdag pa ni Garma. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.