NASA 539 kabahayan mula sa 119 barangay sa Pasay City ang naisailalim na sa localized enhanced community quarantine (LECQ) dahil sa mabilis na pagdami ng indibidwal sa nabanggit na lugar na nagpositibo sa COVID-19.
Sa ulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) noong Agosto 29 ay nakapagtala ang lokal na pamahalaan ng kabuuang 931 kumpirmadong kaso kabilang na ang 80 bagong kaso ng COVID-19.
Sa kabuuang 201 barangay naman sa lungsod, 158 sa mga ito ang nakapagtala ng may mga indibidwal na nagpositibo at may aktibong kaso ng COVID-19.
Ipinaliwanag ng pamahalaang lungsod na ang mga isinailalim na mga kabahayan sa LECQ ay ang mga mayroong tatlo o apat na miyembro ng pamilya na nahawahan ng COVID-19.
Ang mga barangay na may mga naitalang matataas na bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 ay ang Barangay 183 na mayroong 124 kaso;Barangay 201 na may 75 kaso; Barangay 184 na may 21; Barangay 185 na may 18; Barangay 163 na may 16; Barangay 171 at Barangay 125 na parehong may 15 kaso; Barangay 130 at Barangay 188 na mayroong 13 at 10 aktibong kaso ng COVID-19.
Nabatid pa sa ulat ng CESU na ang buwan ng Agosto ay nakapagtala ng 2,491 aktibong kaso habang ang pinakamataas na bilang ay naitala ng Marso na mayroong 3,439 aktibong kaso ng nakamamatay na virus. MARIVIC FERNANDEZ
64308 832011Fairly uncommon. Is likely to appreciate it for folks who contain community forums or anything, internet web site theme . a tones way for the client to communicate. Outstanding job.. 893423
673117 270316Currently actually do not stop eating because there is yet the decision that you will transform into. Function from your home us rrs often a fad for that who wants to earn funds yet still enough time requires most substantial occasions utilizing children and kids goes for as the modern habit. attract abundance 255389
994670 70061I believe this really is very best for you: Soccer, Football, Highlight, Live Streaming 889009