PINAG-IINGAT ng Bahrain ang kanilang mamamayan at mga foreign workers kasama ang 52,000 overseas Filipino workers laban sa coronavirus disease (COVID-19).
Kamakailan ay isang health summit ang isinagawa sa lugar kung saan nagsidalo ang mga opisyal ng nasabing bansa para pigilan ang paglawak ng naturang sakit.
Suspendido na rin ang klase roon kasama na ang kindergarten para makaiwas sa nasabing sakit.
Sa statistics mula sa Ministry of Health of the Kingdom of Bahrain umabot na sa 4,504 individuals ang sinusuri sa nasabing virud habang 4,452 ang negative results.
Umabot naman 52 ang positive cases. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.