54 ARTWORKS SA SOLO EXHIBIT NI AL PEREZ

NAGPIYESTA ang mga mata ng nagsidalo sa opening ng exhibit ng prolific artist na si Al Perez na “Versatile Impressions” Sacred and Profane sa Passion Art Gallery sa SM Megamall Mandaluyong nitong Hulyo 15.

Tampok ang 54 na artworks ni Perez kabilang ang mga pamosong simbahan, mga abstract, nude at iba pa na karamihan ay ginawa nito noong lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

Kasabay nito ang book launching ng Book of Sacred and Profane ni Ambassador Jose Maria A. Cariño.

Dinumog ng mga kapwa artist at collector ang exhibition. Kabilang sa dumalo ay sina Mr. Cid Reyes,Tam Austria, Fernando Sena, Dean Cristina Que at marami pang iba.

Nagpasalamat naman si Perez sa suporta ng mga kaibigan at sinabi nitong napatunayang marami ang nagmamahal sa kanya.

Matutunghayan ang mga obra ni Perez hanggang sa Hulyo 29, 2023. Susan Cambri