54 KATAO NA SAKAY NG ‘ITINAKAS’ NA BANGKA KINASUHAN

bangka

MASBATE CITY-KINASUHAN ng paglabag sa PD 1829 o Obstruction of Apprehension and Prosecution of Criminal Offenders at Article 293 ng Revised Penal Code o Robbery noong H­ulyo 15 ang may-ari, 29 tri­pulante, mga kasapi ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) Region-7 na sumakay sa umano’y itinakas na purse seine o pangulong.

Batay sa ulat ni P/Capt. Lawrence Martinez, OIC Provincial Officer ng 502nd Maritime Command sa Masbate, bagaman karamihan sa mga sumakay sa FBca RAV FISHING ay nagtungo sa Cebu City,  ang limang tripulanteng naaresto nitong sina Temoteo Ofianga, Pedro Negre, Jonathan Cernal, Roy Santillan at Norberto Cornel ay  isinailalim sumano sa inquest proceedings sa City Prosecutor’s Office noon ding Hulyo15 ni Prosecutor II Romeo Ballares Jr.

Kasama sa kinasuhan ang may-ari ng bangka, team leader ng PNP- IMEG-7 at isa pang kapitan, na ayon sa Philippine Coastguard (PCG-Masbate) ay siyang nagpaalam dito noong Hulyo14 bandang alas-4 ng madaling araw na pinahintulutan na ng Maritime na maglayag patungong Cebu ang nabanggit na bangka kahit wala pang clearance at order of release umano mula sa BFAR bunsod sa umano’y paglabag sa section 89 at 113 ng RA 8550 as amended ng RA 10654.

Ang bangka ay  una nang nasabat ng grupo ni P/Major. John Murray Cutaran noong Hulyo 7 habang iligal na nangi­ngisda umano sa karagatan ng isla Manoc- Manoc, Esperanza na sakop ng lalawigang ito. NORMAN LAURIO

2 thoughts on “54 KATAO NA SAKAY NG ‘ITINAKAS’ NA BANGKA KINASUHAN”

  1. 278604 283588An intriguing discussion will probably be worth comment. I think that you simply write a lot more about this subject, it may well become a taboo subject but typically consumers are inadequate to communicate in on such topics. To yet another. Cheers 745282

Comments are closed.