CAMP CRAME – HIGH spirit ang mga pulis na kalahok sa 2019 World Police and Fire Games na ginanap sa Chengdu, China noong Agosto 8 hanggang 19.
Ito ay nang maiuwi ng 182 miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang 54 medalyon sa katatapos na international sports event.
Sa walong events, nakuha ang 18 gold, 21 silver, at 15 bronze.
Ang mga sinalihang games ay track and field, Taekwondo, Karatedo, badminton, basketball, table tennis, Wrist Wrestling at Wrestling.
Pinakamaraming nakuhang medalyon ay ang PNP Taekwondo Team habang naghahanda na para sa PNP Mini Olympics sa ilalim ng stewardship ni PBGen. Roberto Fajardo. EUNICE C.
Comments are closed.