PANIBAGONG batch ng nasawing overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Saudi Arabia ang dumating sa bansa.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), 54 mga labi ng mga OFW ang kabilang sa ikatlong batch ng mga repatriates mula Saudi.
Dalawampu rito ay mula sa Alkhobar na kung saan 18 dito ay nasawi dahil sa COVID-19 at 10 naman ang manggagaling sa Jeddah na lahat ay tinamaan din ng virus.
Dalawangpu’t apat naman ay mula sa Riyadh na kung saan 11 dito ay patay rin sa COVID-19.
Sa tala ng DOLE, nasa 137 na ang mga naiuwing nasawing OFWs.
Lahat ng mga nasawi sa COVID-19 ay agad na isasailalim sa cremation bago ibigay sa kanilang mga kamag-anak ang abo habang ang mga nasawi sa ibang kadahilanan ay agad na iuuwi sa kanilang mga lalawigan. LIZA SORIANO
Comments are closed.