54 POLICE OFFICERS NA-PROMOTE

PERSONAL na binati at binasa ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa 54 na opisyal ng pulis one rank higher ng mga ito na ginanap sa NCRPO sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Ang mga na-promote bilang 2 star General o Police Major General ay sina NCRPO Director Jonnel C. Estomo, PNPA Director Eric Noble at pang kasamahan nito na PBGeneral at ngayon ay Police Major General na din.

Habang ang iba naman na dating PColonel at nataas naman bilang PBGeneral gaya ni Northern Police District (NPD) Director Ponce Rogelio Peñones, Eastern Police District (EPD) Director Wilson Escueta at marami pang iba.

Ang paggawad ng kanilang one rank higher ay sinaksihan din ni PNP Chief Gen. Rodolfo Asurin at 2nd man ng PNP na si Lt. Gen. Rhodel Sermonia.

Ang iba naman na dating Lt. Colonel ay naging Colonel.

Ayun kay Abalos, ang pagkakapromote ng 54 na opisyal ay dala ng pagiging masigasig nila sa pag puksa ng mga krimen sa bansa lalong lalo na ang pagigipaglaban laban sa droga.

“Ayoko sa lahat ng ningas kugon o puro umpisa lamang ang alam gawin pag medyo tumagal mananahimik na, ipakita natin na kaya nating puksain at labanan mga malalaking isda na silang utak sa pagkakalat ng droga sa ating bansa. pagtatapos ni Abalos. EVELYN GARCIA