54 RESIDENTE TUMANGGAP NG TITULO NG LUPA SA QC-LGU

TUMANGGAP ang may 54 mga residente sa Quezon City ng titulo ng kani-kanilang lote mula sa mga programang palupa ng pamahalaang lungsod.

Personal na iniabot ni QC Mayor Joy Belmonte ang titulo sa mga residente bilang mandato na mabigyan ng kasiguraduhan ng pabahay sa lungsod.

Ang inisiyatibong ito ay bahagi ng programang ‘Direct Sale’ sa ilalim ng Socialized Housing Projects ng QC na naglalayong mabigyan ng maayos at abot-kayang pabahay ang mga nangangailangan.

Kabilang sa mga nakinabang rito ang mga residente mula sa Brgy. Bagong Silangan (Proper), Brgy. Bagong Silangan (Covenant); Brgy. Escopa III, Brgy. Bagumbuhay, Brgy. Quirino 2-B; Brgy. Sta. Lucia, Brgy. Kaligayahan (Tawid Sapa II-Phase I), Brgy. Kaligayahan (Tawid Sapa II-Phase II), Brgy. Kaligayahan (Tawid Sapa II-Phase III), Brgy. Fairview (Sitio Ruby), Brgy. Sto. Niño, Brgy. Kaligayahan (Old Camarin), Brgy. Novaliches Proper (Fantasy HOA), Brgy. Kaligayahan (Quezon City Housing No. 2); Brgy. Baesa (Asamba), Brgy. Baesa (Sitio Pajo)

Ang programang ‘Direct Sale’ na paraan ay ang pagkaroon ng pagkakataong maging lehitimong may-ari ang mga residenteng matagal nang naninirahan sa mga lote sa kundisyong mabayaran ang halaga o katumbas na presyo ng lupa alinsunod sa terms of payment ng lungsod. P ANTOLIN