540 LUGAR NAKA-GRANULAR LOCKDOWN

DAHIL sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, 97 na ang local government units (LGUs) na isinailalim sa Alert Level 3 habang 540 areas naman ang kasalukuyang naka-granular lockdown.

Sa Talk to the People briefing ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes ng gabi, kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na ngayong may surge ng COVID-19 sa bansa ay maraming lugar ang inilagay nila sa Alert Level 3, na nasa 97 na ngayon.

Aniya, nasa 540 areas ang kasalukuyang nasa granular lockdown sa buong bansa at apektado nito ang 31 lungsod at munisipalidad at 268 barangay.

Kabilang rin dito ang 60 lugar sa National Capital Region (NCR).

Sa pagtaya ng DILG chief, nasa 717 households o 1,482 indibidwal ang apektado nito.
EVELYN GARCIA