$540-M HALAGA NG SAGING INI-EXPORT NG PILIPINAS SA CHINA

NASA 540 milyong halaga ng saging ang iniluwas ng.bansa sa China.

Ito ang datos na ibinahagi kahapon ni Chinese Ambassador to the Philippine Huang Xilian kaugnay sa ginagawa nilang pag-angkat ng saging sa Pilipinas.

Ayon kay Amb. Huang Xilian, sa unang siyam na buwan ng 2021 umaabot sa $540 million ang halaga ng Philippine bananas ang iniluwas ng Pilipinas sa China.

Kumakatawan ito sa 34.2% percent ng total banana export value ng Pilipinas, at nakapagtala ng 47.4 porsyentong year-on-year growth rate.

“ In terms of quantity, 1.24 million metric tons of locally produced bananas, or 36.8% of the country’s total banana exports were delivered to China in the same period of time, increased by 38%,: ayon pa sa inilbas na pahayag ng China government.

Nabatid na ang China ay kumukunsumo ng 9 million metric tons ng saging taon taon. Ang paglago ng banana export ng Pilipinas sa China at nagpatatag pa sa position ng Pilipinas bilang No. 1 banana supplier ng naturang bansa.

Sa loob ng 11 buwan nitong nakalipas na 2021, patuloy na na-domina ng Philippine bananas ang Chinese market na umaabot sa 44.2% market share.

“The banana trade between China and the Philippines brings huge benefits to local farmers. “Because if the relationship between (the Philippines and) China will be continue like this, the business industry will be good,” pahayag naman ni Mr. Gonzali, isang banana farmer na nagtatrabaho sa Continental Farm Corporation sa Mindanao.

“More Philippines’ boxes (of bananas) go to China, and we earn more salary,” ani Ms. Amora, isa pang banana farmer.

“Pag may tiyaga, may nilaga.” (If you persevere, you will reap the fruits of your labor.) We look forward to more Philippine bananas and other fruits being exported to China in 2022, ayon sa mga exporters ng Pilipinas. VERLIN RUIZ