NAKUMPISKA ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark ang tinatayang nasa 54,215 US dollar bills matapos ang isinagawang strict profiling sa mga nakatenggang shipments sa bakuran ng ahensiya.
Ang nasabing kargamento ay idineklarang mga “Chinese Cook Book Recipes” at dumating ito noong May 25, 2020 galing sa Hong Kong.
Sa isinagawang physical examination, bumulaga sa mga examiner ang 540 piraso ng $100 bill, dalawang pirasong $50 bill, apat na pirasong $20 bill, isang pirasong $10 bill at limang pirasong $5 bill na isiningit sa pitong pahina ng magazine.
Agad nag-isyu si Port of Clark District collector Atty. Ruby Alameda ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) dahil sa paglabag ng Sections 1400 at 1113 f, i & l (3) of R.A. No. 10863 (CMTA) in relation to BSP Foreign Exchange Transaction Manual. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.