5,438 LUPANG SAKAHAN IPAMUMUDMOD

TINATAYANG  aabot sa 5,438 ang titulo ng lupang pang -agrikultura ang nakatakdang ipamahagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong”Marcos Jr. at Department of Agriculture (DAR) Secretary Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III sa mga magsasakang agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa Eastern Visayas ngayong Lunes, Mayo 20.

Aabot sa P509.45 milyon ang halaga ng nasabing 5,438 na titulo ng lupa at mga suportang serbisyo sa mga magsasaka sa nasabing rehiyon na gaganapin sa Tacloban City Convention Center sa Mayo 20.May kaparehong pamamahagi naman ng lupa si Marcos at si Estrella sa mga magsasakang ARBs sa Central Visayas Region sa Dumaguete, Negros Oriental sa kaparehong araw.

Sa 5,438 titulo ng lupa, 5,400 ay electronic titles na ipagkakaloob sa ilalim ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling Projects (SPLIT Project), at 38 certificates of landownership award (CLOAs) sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), na sumasakop sa 7,914 ektarya ng lupa sa mga bayan ng Leyte/Biliran, Southern Leyte, Western Samar, Eastern Samar, and Northern Samar.

Ang SPLIT Project ay nagpapabilis sa paghahati-hati sa mga CLOAs upang makapagbigay ng indibidwal na titulo ng lupa sa mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) na nabigyan na ng lupa sa pamamagitan ng collective ownership.

May 5,906 ARB ang makikinabang sa gawaing ito, kung saan ito tinitiyak ng pamahalaan na ang mga magsasaka ay magkakaroon ng legal na pagmamay-ari sa lupang kanilang tinatamnan.

Sa okasyong ito, magkakaloob din ang Pangulo ng P509.45 milyong halaga ng suportang serbisyo na tulong sa mga ARB organizations at mga komunidad gaya ng farm to market roads, PBBM bridges (Pang-Agraryong Tulay para sa

Bagong Bayanihan ng mga Magsasaka), proyektong pang-irigasyon at mga makinaryang pangsaka.

Magkakahalaga naman ng P350 milyon ang farm-to market roads na ipagkakaloob sa Leyte, Eastern Samar at Southern Leyte, na may katapat na halaga ng P200 milyon, P100 milyon at P50-milyon sa bawat lalawigang nabanggit.

Apat na proyektong tulay, na nagkakahalaga ng P78.172 milyon, ang isasalin sa Southern Leyte, Calbayog City at Eastern Samar. Dagdag pa rito, may kabuuang halaga ng P71 milyon, ng apat na pasilidad pang-irigasyon ang ipagkakaloob sa Northern Samar, Biliran at Southern Leyte.

Magbibigay rin ng iba’’t ibang makinaryang pangsaka at mga kagamitan, na may kabuuang halaga na P10.28 milyon, sa mga samahan ng mga magsasaka mula sa Biliran, Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Southern Leyte at Leyte.

Inaasahan ang pagdating ni Senador Imee Marcos, House Speaker Martin Romuladez, at Tacloban Mayor Alfred Romualdez sa naturang pamamahagi. MLUISA MACABUHAY GARCIA