544 BAGONG KASO NG COVID-19

NASA  544 ang panibagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes (December 3), pumalo na sa 2,833,878 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 14,977 o 0.5 porsyento ang aktibong kaso.

7,166 sa active COVID-19 cases ang mild; 688 ang asymptomatic; 3,801 pasyente ang moderate; 2,433 ang severe habang 889 ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 235 naman ang napaulat na nasawi kaya umakyat na
na sa 48,987 o 1.73 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 734 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,769,914 o 97.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.