NAKAPAGTALA pa ang Department of Health (DOH) ng 5,479 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa araw ng Linggo.
Batay sa case bulletin no. 498 na inilabas ng DOH, nabatid na dahil sa naturang mga bagong kaso ng sakit ay umaabot na sa 1,548,755 ang total COVID-19 cases ng bansa hanggang 4:00PM ng Hulyo 25, 2021.
Gayunman, sa naturang kabuuang bilang ay 3.5% na lamang o 54, 262 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman, kasama rito ang 93.4% na mild cases, 2.3% na severe, 1.63% na moderate cases, 1.4% na critical, at 1.2% na asymptomatic. Nadagdagan din naman ng 5,573 pa ang bilang ng mga gumaling sa sakit.
Sa ngayon, ang Pilipinas ay mayroon nang 1,467,269 total COVID-19 recoveries o 94.7% ng total cases.
Samantala, mayroon pang 93 pasyente ang sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa kumplikasyong dulot ng COVID-19.
Dahil dito, nasa 27,224 na ngayon ang total COVID-19 death toll ng Pilipinas o 1.76% ng total cases. Ana Rosario Hernandez
713737 534842Having been just looking at beneficial blog articles with regard towards the project research when My partner and i happened to stumble on yours. Thanks for this practical info! 107089
165798 507279Hi. Cool post. There is really a difficulty with the internet web site in firefox, and you may want to test this The browser could be the marketplace leader and a huge portion of folks will miss your exceptional writing due to this issue. 609020