54K DRIVER–OPERATORS NAKINABANG SA FUEL CARDS

DOTr-LTFRB-2

UMABOT  na sa 54, 570  mga lehitimong operator-driver  ang  naki­nabang sa fuel subsidy cards ng Department of Transportation at Land Transportation Franchising & Regulatory Board.

Sa loob  lamang ito  ng tatlong buwan na implementasyon ng Panta­wid Pasada Program ng gobyerno.

Sa ilalim ng programa, nasa P5,000 na fuel subsidy ang matatanggap kada buwan ng bawat  operator-driver.

Layunin ng programa na ayudahan ang transport sector sa epekto ng  paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo.

Nagmula  ang pondo sa bahagi ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Matatandaang dahil sa pagtaas ng presyo ng langis ay pinayagan na rin ng LTFRB ang pagtataas ng singil sa pasahe sa jeepney na mula sa P8.00 na minimum ay naging P9.00 at sa pagpasok ng buwan ng Nobyembre ay may dagdag ulit ito na piso o P10 ang minimum na pasahe sa mga pampasaherong jeepney.  VERLIN RUIZ

Comments are closed.