MAY 55 kompanya na gumagawa ng mga produkto para labanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) outbreak ang nagpahayag ng interes na mag-invest sa Filipinas, ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez.
Sa virtual general membership meeting ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) noong Martes, sinabi ni Lopez na ang naturang mga kompanya ay nagpoprodyus ng medical devices, medical supplies, at electronic components.
Sa nasabing bilang, 35 kompanya ang naka-base sa China.
“We want to present the Philippines as a complementary host country,” ani Lopez.
Bukod sa paggawa ng coronavirus-related products, may mga Chinese at non-Chinese company din, aniya, na nagpoprodyus ng electrical equipment at appliances, metal products, automotive at auto parts, machinery at equipment, optical lenses, at furniture na nais na ilipat o palawakin ang kanilang negosyo sa Filipinas.
Ang mga kompanyang ito ay naapektuhan ng COVID-19 pandemic sa China at ng trade tension sa pagitan ng China at ng United States.
“One important thing is to accelerate these interests to the realization of investments,” anang trade chief. PNA
Comments are closed.