55K KATAO APEKTADO NG SHEAR LINE

TUMAAS pa ang mga bilang ng mga residenteng apektado ng malakas na pag-ulan at pagbahang dulot ng shear line.

Base sa pinakahuling talaan ng DSWD , nitong Martes ay umakyat pa sa 13,192 pamilya o katumbas ng 55,000 indibidwal ang apektado ng kalamidad sa Bicol region, Western at Central Visayas.

Tinatayang tumataas na rin ang bilang na nasa 431 na pamilya o 1,445 indibidwal ang nananatili sa 31 itinalagang evacuation centers.

Habang mayroon din 26 pamilya ang pansamantalang nakitira muna sa kaanak.

Kaugnay nito, tuloy tuloy naman ang buhos ng tulong ng Department of Social Welfare and Deve­lopment katuwang ang mga lokal na pamahalaan at NGOs sa mga apektadong residente.

P ANTOLIN