BIBIGYAN ng pagkakataong makaboto ang may 56,679 preso sa darating na Barangay at SK Election.
Isa itong makasaysayang hakbang ng Commission on Elections (COMELEC), Public Attorneys Office (PAO), at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) matapos sa isang groundbreaking Memorandum of Agreement na bigyang-daan ang mga rehistradong preso.
Isinagawa ng tripartite collaboration upang bigyang-diin ang pangako ng mga ahensiya ng gobyerno na itaguyod ang demokrasya at inclusivity sa proseso ng electoral maging sa mga nakakulong .
Nangako naman ang COMELEC na magbibigay ito ng suporta, gabay, at mga kinauukulan upang mapadali ang pagboto ng PDL at mapanatili ang integridad ng proseso ng electoral habang tungkulin naman ng PAO ang tumulong sa paghahain ng mosyon sa kani-kanilang executive judges upang payagan ang PDL na i-escort sa labas ng kulungan para sa Escorted Voting.
Nangako rin ang BJMP na sisiguruhin nitong magiging ligtas at maayos ang kapaligiran sa pagboto sa loob ng mga pasilidad ng kulungan bilang Special Polling Precinct o Escorted Voting sa itinalagang presinto ng botohan na pinangangalagaan ang kaligtasan at privacy ng mga botante ng PDL.
PAULA ANTOLIN