PASAY CITY – INANUNSIYO ng Bureau of Immigration na “ready for the holiday rush” ang ahensiya kasunod ng paglalagay ng karagdagang 56 na immigration officers sa iba’t ibang paliparan sa bansa.
Ayon kay BI Port Operations Division Chief Grifton Medina na naisyuhan na ng travel orders ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang nasabing mga Immigration Officers at mag-report sa kani-kanilang airport assignment upang matugunan ang dami ng mga pasaherong papasok at palabas ng bansa.
“We are actually expecting an upsurge of travelers entering the Philippines by around the second or third week of December as Christmastime approaches,” ayon kay Medina.
Sinuguro ni Medina na ang mga biyahero ay hindi makararanas ng mahabang pila sa immigration arrival at departures sa panahon ng Christmas season.
Sa 56 na Immigration Officers na nabigyan ng travel orders, 19 dito ay magre-report sa NAIA habang ang 37 ay sa airport sa Clark, Mactan, Kalibo, at Davao.
Nilinaw naman ni Medina na ang reassignmet ng nasabing mga Immigration Officers ay pansamanatla lamang at muling ibabalik sa kanilang dating puwesto. PAUL ROLDAN
Comments are closed.