56 PANG RUTA NG PUVs BUBUKSAN NG LTFRB

MAY 56 pang ruta ng mga Public Utility Vehicles (PUVs) ang nakatakda muling buksan ng LTFRB ngayong linggo.

Alinsunod na rin ito sa hiling ng mga commuter at PUV operator.

Kinumpirma ni LTFRB Chairperson Atty. Cheloy Garafil na inihahanda na ang pagbubukas ng mga nasabing pre-pandemic route.

Noon lamang Agosto, 133 ruta ng mga PUV ang binuksan ng ahensiya kasabay ng pagbabalik sa face-to-face classes ng mga estudyante.

Sa kabuuan, nasa 90% na ng PUV routes, na isinara sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong 2020, ang muling binuksan ng LTFRB. DWIZ882