INIULAT ng Department of Health (DOH) na bagama’t umakyat na sa 119,460 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa ay nadagdagan naman ang mga pasyenteng gumaling dito.
Naitala ng DOH ang 3,561 na mga bagong kaso virus infection hanggang alas-4:00 ng hapon ng Agosto 6.
Batay sa case bulletin na inilabas ng DOH, karamihan sa mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region (NCR) na umabot sa 2,041 new cases.
Sinundan ito ng Laguna na may 222 new cases, Cebu na may 221 new cases, Cavite na may 100 new cases, at Rizal na may 81 new cases.
Ang magandang balita naman, may 569 na naiulat na bagong gumaling sa COVID-19.
Dahil dito, aabot na ngayon sa 66,837 ang kabuuang bilang ng COVID-19 recoveries sa bansa.
May 28 ang naitalang nasawi dahil sa virus kaya’t umakyat na sa 2,150 ang total COVID-19 death toll sa Filipinas.
Ayon sa DOH, sa 28 na nasawi, 10 ay binawian ng buhay nitong Agosto, 16 noong Hulyo, isa noong Hunyo, at isa noong Mayo. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.