57 BABOY NA POSITIBO SA ASF PINATAY

NASA 57 na baboy na ang kinailangang sumailalim sa culling procedure sa Sultan Kudarat matapos magpositibo ang mga ito  sa African Swine Fever (ASF) at makumpirma ito sa ilang babu­yan doon.

Base sa datus ng Provincial Veteranry Office, mula ang mga ito sa Barangay Bagumbyan, Columbio,Isulan, at Lungsod ng Tacurong.

Posible rin umanong madagdagan ang bilang ng mga baboy na isasailalim sa culling.Sa ngayon bawal munang maglabas at magpasok ng buhay na baboy, karne at iba pang pork products sa Sultan Kudarat.

Aabot sa P400,000 ang halaga ng naitalang pinsala sa lalawigan ng dahil sa ASF.

Kinumpirma ni Dr. Edwin Nacito,Provincial Veterinarian ng Sultan Kudarat  na may kaso ang kaso ng ASF sa mga natu­rang lugar.

“It’s high time. May go signal naman ako sa regional office…….. may apat na munisipyo na na confirmed case ng ASF,”sabi ni Nacito.

May ilan na rin anya sa mga nag- aalaga ng baboy sa mga naturang lugar ang kusang loob ng pinatay ang kanilang alaga nang mabalitaang may mga positibo na ng kaso ng ASF sa naturang lalawigan.

Umaasa si Nacito na mapipigilan na ang pagkalat ng ASF sa lalawigan pag na rollout na ng bakuna ng Department of Agriculture(DA) sa Set­yembre.

Hinihimok na rin ng mga lokal na awtoridad na magreport ang mga nag-aalaga ng baboy sa lalawigan upang mapigilan ang pagkalat ng ASF.

Habang wala pa ani­ya ang bakuna ng ASF, nanawagan si Nacino na mag- disinfect sa kanilang mga farm ang  hog raisers at huwag mag-atubiling humingi ng tulong kung kinakailangan kapag naharap na sa naturang suliranin.

MA. LUISA GARCIA