(57 barangays na ang naka-LCQ) CONTRACT TRACERS SA PASAY KULANG

PINAIGTING ng lokal na pamahalaan ng Pasay ang aktibidad ng contact tracing matapos makapagtala ng mabilis na pagtaas ng kaso ng CO­VID-19 sa lungsod.

Kasabay nito, umabot na sa 57 barangays ang isinailalim sa local community quarantine (LCQ) makaraan lamang ang i­lang araw.

Ang mga naka-lockdown ay ang Barangay 7/na may 6 na kaso; 8/3; 12/3; 14/9; 20/4; 26/3; 28/4; 29/3; 31/3; 32/3; 36/5; 37/7; 38/6; 40/5; 44/3; 53/3; 56/3; 57/9; 58/5; 59/3; 65/3; 66/5; 68/7; 71/9; 74/4; 76/6; 81/8; 90/3; 94/3; 96/4; 98/13; 100/7; 107/16; 109/3; 110/3; 111/3; 116/4; 118/15; 122/12; 131/3; 132/3; 135/4; 136/8; 143/4; 155/6; 161/6; 162/5; 171/4; 175/6; 177/5; 178/5; 183/29; 188/17; 192/3; 193/8; 194/6 at Barangay 201 na may 12 kaso ng COVID-19.

Gayundin, sa huling datos ng City Health Office (CHO) ng ala-1ng hapon (Pebrero 24), nakapagtala ng 395 kaso ng virus kumpara noong Martes na may 435 na kaso ng CO­VID-19 ay ikinabahala pa rin ng lungsod ang mabilis na pagtaas ng kaso nito noong nakaraang Pebrero 18 na may 83 kaso at Pebrero 20 na may 100 kaso ng naturang virus na nauna nang napuna ng Department of Health (DOH).

Sa online na pakikipagpulong ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano kina DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, sinabi nito na pinaigting ng kanilang 335 contact tracers sa lungsod upang pigilan ang pagkalat ng virus.

Aniya, ang ratio ng bawat isa sa kanilang contact tracer ay may 1,330 indibidwal na hindi kakayanin ng isang isang contact tracer. Dahilan nito, naghahanap pa rin ng karagdagang nurses at contact tracers upang mapunan ang kakulangan sa aktibidad ng contact tracing sa lungsod.

“Kailangan pa natin ng karagdagang personnel at equipment tulad ng health kits at personal protective gears para makapagsagawa ng city-wide contact tracing activity,” anang alkalde. MARIVIC FERNANDEZ

One thought on “(57 barangays na ang naka-LCQ) CONTRACT TRACERS SA PASAY KULANG”

  1. 742240 514910Oh my goodness! an wonderful write-up dude. Numerous thanks Even so My business is experiencing trouble with ur rss . Do not know why Struggle to sign up to it. Can there be everybody finding identical rss dilemma? Anyone who knows kindly respond. Thnkx 443042

Comments are closed.