57 EMPLEYADO NG DILG POSITIBO SA COVID-19

UMABOT sa 57 bilang ng mga kawani ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Central Office ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay DILG spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya,ang nasabing bilang ay limang porsiyento ng mahigit 1,100 personnel ng nasabing ahensya.

“Marami po din ang nagka-COVID, gaya po ng ibang mga frontliners natin. Dito lang po sa central office, out of our 1,124 total employees, meron po kaming 57 na mga nagpositibo. Around 5 percent of our employees from the central office ay nagka-COVID,” ani Malaya sa isang panayam.

Aniya, karamihan naman sa nagkasakit ay mild at asymptomatic at marami ang gumaling na.

Sa regional offices ng DILG ay walang eksaktong numero ng tinamaan ng virus dahil kaunti lamang umano ang ang mga empleyado doon.

“Meron din po kaming mga nag-positive sa mga regions, pero hindi naman po ganoon kadami,” ayon pa kay Malaya.

Samantala, maayos na ang kalagayan pero kasalukuyan pang naka-isolate at working from home si DILG Secretary Eduardo Año na nagpositibo sa COVID-19 sa ikatlong pagkakataon pero ‘mild’ lamang naman ang naging sintomas ng kalihim.

“He told me he’s asymptomatic or if he has symptoms (they were) very mild so he said he will continue to work while (in) isolation. I think just like the rest of the population who were vaccinated and boosted, this will be a mild infection for Secretary Año,” dagdag pa ng tagapagsalita ng DILG. EVELYN GARCIA