AABOT na sa 57 milyong doses ng bakunang panlaban sa coronavirus ang magmumula sa China oras na dumating pa ang karagdagang dalawang milyong doses ng Sinovac vaccines na donasyon ng Chinese government sa Pilipinas.
Ito ang pahayag ni Chinese Ambassador Huang Xilian, bago pinasimulan ang isang online at offline Christmas party na inihandog sa media kung saan sinabi nitong inaasahan na ang pagdating sa susunod na linggo ng mga bagong suplay ng Sinovac.
Kaya nasa 57 milyon doses na ang bilang ng vaccine doses na natanggap ng bansa mula sa China sa pamamagitan ng donasyon at procurement.
Ayon sa Chinese envoy, ang mga bakuna ng China ay hindi lamang ang naunang COVID-19 vaccines na dumating sa bansa kundi ito rin ang naging pangunahing source para sa vaccination program na pinasimulan ng Pilipinas.
Kinilala naman ni Huang ang pagsisikap ng bansa para mapigilan ang paglaganap ng virus at malaking tagumpay sa paglaban sa pandemiya.VERLIN RUIZ