57 MSMEs LUMAHOK SA PAYBIZ PROGRAM

DTI-LOGO-3

TINATAYANG aabot sa 57 MSMEs mula sa tourism sector ang lumahok sa virtual PayBiz Bootcamp na inorganisa ng Department of Trade and Industry (DTI) MIMAROPA sa pakikipagtulungan ng Paynamics providers kamakailan.

Nabatid na ang nabanggit na programa ng DTI ay isinagawa upang matugunan ang lumalagong bilang ng digital-savvy consumers kung saan ang karamihang kalahok na mula sa private sector ay consolidators, grocery ow­ners, micro, small, and medium enterprises na ang produkto ay mula sa kanilang lalawigan sa MIMAROPA Region.

Nakatuon ang masterclass session sa latest challenges, opportunities at paglago ng negos­yo gamit ang onkine sa bansa kung saan ipinapakita kung paano mag easy-to-use e-payments at iba pang user-friendly digital-enabling tools na walang upfront costs.

Sa panig naman ng Chief Commercial Officer & General Ma­nager ng Paynamics Technologies, Inc. na si Mark Joseph P. Pangilinan, ipinaliwanag nito ang state of digital at ang challenges at oportunidad ng digitalization sa bansa.

Maging si Gracey Reyes, marketing and Brand Specialist ng nasabing kompanya na ang PayBiz platform ay isang E-money Issuer (EMI) powered by Paynamics at regulated ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Gayunpaman, ang main features ng PayBiz platform ay mag-caters ng mga pangangailangan ng consolidators na magbe-benefits sa paglago ng negosyo sa pamamagitan ng digital economy.

Ang nasabing event ay bahagi ng quarterly masterclass sessions na isinagawa ng regional office ay simula pa noong 2019 kung saan ang mga kalahok na MSMEs ay nagpahayag ng pasasalamat sa isa na namang E-Commerce activity para sa up-to-date ng online. MHAR BASCO