57 PULIS SINIBAK DAHIL SA DROGA

CAMP CRAME- LIMAMPU’T PITONG tauhan ng Philippine National Police ang tinanggal sa serbisyo ni PNP Chief General Debold Sinas sa loob lamang ng mahigit apat na buwan nitong panunungkulan.

Ang 57 personnel na kinabibilangan ng non-commissioned officer, police commissioned officer at non-uniform personnel ay nasibak mula noong Nobyembre 10, 2020 hanggang nitong Marso 24.

Sa datos na ipinadala ni PNP Public Information Office Chief BGen. Ildebrandi Usana, ang dahilan ng pagkasibak sa serbisyo ng mga ay dahil sa paggamit at pagbebenta ng droga.

Batay sa record ng PNP, 44 na non-commissioned officer ang nadiskubreng gumagamit ng droga habang sampu ang sangkot sa illegal drug cases; isang police commissioned officer ang nagpositibo sa droga; habang isa rin ang sangkot sa illegal drug case.

Wala namang natuklasang NUP na gumamit ng ilegal na gamot su­balit isa sa kanila ang nasangkot sa illegal drug case.

Tiniyak naman ng PNP na dumaan sa tamang proseso ang pag-iimbestiga sa mga nasibak na personnel at wala silang benepisyong natanggap.

Magugunitang sinabi ni Sinas na dapat maging matuwid ang lahat ng pulis upang pagkatiwalaan ng publiko ang orga­nisasyon. EUNICE CELARIO

One thought on “57 PULIS SINIBAK DAHIL SA DROGA”

Comments are closed.