575 MAGSASAKA SA SOUTHERN LEYTE, LANDOWNERS NA

John Castriciones

MAY 575 mga magsasaka sa Hinunangan, Southern Leyte ang ngayon ay may-ari na ng lupang kanilang sinasaka matapos igawad sa kanila ng Department of Agra­rian Reform (DAR) ang Certificates of landownership award (CLOAs) nitong Hulyo 29, 2021.

Ayon kay DAR Secretary Bro. John Castriciones, na namuno sa pamamahagi ng mga CLOA, ang mga lupaing naipamahagi sa agrarian reform beneficiaries (ARBs) ay mayroong kabuuang sukat na 575 ektarya.

Sinabi ni Brother John na ang mga lupaing iginawad sa mga magsasaka ay inabot ng higit sa 15 taon ang pagproseso. Karamihan sa mga lupa ay may mga isyu sa land coverage na kinasasangkutan ng mga private agricultural lands.

“Ipinagmamalaki kong sabihin na kahit na tumagal nang higit sa isang dekada para makuha ng mga magsasaka ang kanilang lupain, nalutas ng DAR ang mga problemang ito nang mahusay at alinsunod sa batas,” ani Brother John.

“Ako po ay natutuwa sapagkat ngayong hapon na ito ay pinagtagum­payan natin ang matagal na nating problema sa lupa. Ang ibig sabihin, ay naging matagumpay at nagwagi ang pakikipaglaban ng DAR kasama ang ating mga mag-uuma,” dagdag ni Brother John.

“Tandaan po ninyo, hindi diyan nagtatapos ang tulong ng DAR. Kami po gagawin namin ang aming makakaya upang paunlarin ang inyong lupa,” aniya sa mga magsasaka.

Ang magsasakang si Editha Comeling at asawang si Frank, mula sa barangay Sto. Nino sa Hinunganan ay labis na natuwa sa pagtanggap ng pinakahihintay nilang CLOA na inihatid ni Brother John sa kanilang tahanan.

“Natupad din ang pangarap naming mag-asawa! Sa tagal ng pa­nahon, sa amin na ang sakahan! Salamat po Pangulong Duterte at sa inyo, Brother John sa titulong ito,” ani Editha Comeling.

Si Editha at asawa niyang si Frank ay kabilang sa 575 na bagong mga nagmamay-ari ng lupa na ginawaran ng CLOA ni Brother John. Ang karamihan ay tumanggap ng CLOA sa isang seremonya na ginanap sa Bara­ngay Bangcas-A Gymnasium, Hinunganan, Southern Leyte. BENEDICT ABAYGAR, JR.

2 thoughts on “575 MAGSASAKA SA SOUTHERN LEYTE, LANDOWNERS NA”

  1. 173437 105158Excellently written article, doubts all bloggers offered exactly the same content material because you, the internet can be a greater spot. Please maintain it up! 572183

Comments are closed.