58 KATAO DINAMPOT  SA OPLAN RODY

oplan rody

BULACAN – DINAMPOT ang  58 katao matapos lumabag sa  “Oplan Rody sa nakalipas na magdamag sa lalawigan.

Sa report na ipinadala ni Provincial Director  Sr. Supt. Chito Bersaluna nasa 14 na menor ang nadakip na pawang lumabag sa curfew.

Habang  24 naman ang  inimbitahan ng  PNP dahil sa pag-inom ng alak sa  mga bawal na lugar kung saan 13 dito ay mga walang damit pang itaas.

Tatlo ang lumabag sa smoking ban at apat na  paglabag sa iba pang ordinansa mula sa siyudad at bayan ng Bulakan, Bustos, DRT, Pandi, Paombong, Obando, Meycauayan, Balagtas, San Miguel, Baliwag at Pulilan.

Matapos ang operation,  44 ang  pinauwi sa kanilang mga bahay habang 12 ang inilagay sa kustodiya ng barangay at dalawa ang  binigyan ng warning.

Samantala, muling ipinaalala ni Regional 3 Director Chief Supt. Amador Corpus sa publiko na bawal ang tambay kapag dis oras ng gabi, ma­ging  ang  nakahubad habang nakikipag-inuman sa  labas ng kalye at iba pang paglabag sa batas.  THONY ARCENAL

Comments are closed.