58 PANG PINOY MULA BAHRAIN NAKAUWI NA

NASA 58 distressed overseas Filipinos mula Bahrain ang nakauwi na, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sinabi ng DFA na ang grupo na dumating ay kinabibilangan ng detainees at overstaying Filipinos sa shelter ng Philippine Embassy.

“Due to the continuing implementation of the limitation of arriving passengers in the Philippines, many distressed Filipinos in Manama Bahrain requested the Philippine Embassy’s assistance for booking tickets at a special rate given by Gulf Air,” pahayag ng DFA sa isang statement.

“The Embassy also coordinated with the DFA – Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs, Overseas Workers Welfare Administration, and concerned agencies for the exemption of the repatriates from arrival limitations as well as for the quarantine facilities for the repatriates,” dagdag pa nito.

Magmula noong Agosto, nasa 287 stranded Filipinos sa Bahrain ang napauwi ng embahada via direct flight ng Gulf Air sa Manila.

Sa naturang bilang, sinagot ng embahada ang airfare ng 175 distressed Filipinos gamit ang Assistance-to-Nationals fund ng DFA.