5,846 KASO NG DENGUE NAITALA SA BICOL

dengue

BAGAMAN kabi-kabila ang paalala ng health authorities para makaiwas sa dengue, patuloy ang pagtaas ng kaso nito sa Bicol Region.

Sa record ng Department of Health (DOH) Regional Epidemio­logy Surveillance Unit (RESU), mula Enero 1 hanggang Agosto 24 ay umabot na sa 5,846 ang bilang nang natamaan ng dengue sa Bicol.

Ayon kay DOH-RESU director Dr. Aurora Daluro, 40 ang nasawi sa sakit na karamihan ay mga bata.

Nabatid na idineklara nang dengue hotspots ang 102 baranggay sa 33 lungsod at bayan sa Bicol Region.

Una rito, ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) sa Bicol sa local government officials ang regular na pagsasagawa ng “Saba­yang 4 o’clock habit para sa Deng-Get Out” cleanliness drive.

Nagsasagawa na rin ng dengue control mea­sures ang Interagency Emergency Operation Center na binuo ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC). PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.