5,881 BAGONG KASO NG COVID-19

INIULAT  ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa sila ng 5,881 na bagong kaso ng COVID-19 araw ng Biyernes.

Batay sa case bulletin na inilabas ng DOH, dakong 4:00 ng hapon nitong Biyernes, umaabot na ngayon sa 1,461,455 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa bansa.

Sa naturang bilang naman, 3.6% o 51,902 na lamang ang aktibong kaso.

Sa aktibong kaso, 90.3% na mild cases; 4.4% na asymptomatic; 2.2% na severe; 1.56% na moderate at 1.5% na kritikal.

Samantala, 94.7% ng total COVID-19 cases o kabuuang 1,383,833 naman na ng mga ito ang gumaling na matapos na madagdagan pa ng 3,003 bagong recoveries.

Maging ang bilang ng mga pasyenteng pumanaw sa sakit ay nadagdagan ng 70, kaya’t umaabot na sa kabuuang 25,720 ang COVID-19 death toll sa bansa, o 1.76% ng total COVID-19 cases.

Sinabi pa ng DOH, na batay sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong Hulyo 7, 2021 habang mayroong limang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Mayroon namang 10 duplicates ang inalis sa total case count, kasama rito ang pitong recoveries.

“In addition, one case was found to have tested negative and has been removed from the total case count,” anang DOH.

Mayroon namang 28 kaso na unang tinukoy na recoveries, ngunit malaunan ay active cases pa pala habang may 34 kaso pa ang unang iniulat na gumaling na ngunit sa pinal na balidasyon ay binawian na pala ng buhay. Ana Rosario Hernandez

4 thoughts on “5,881 BAGONG KASO NG COVID-19”

  1. 633694 647781I enjoyed reading this a lot I genuinely hope to read a lot more of your posts in the future, so Ive bookmarked your blog. But I couldnt just bookmark it, oh no.. When I see quality websites like this 1, I like to share it with others So Ive created a backlink to your website (from 609820

Comments are closed.