PARAÑAQUE CITY – SINALUBONG ng awtoridad mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang 59 distressed overseas Filipino workers (OFWs) sa Riyadh.
Kabilang sa mga opisyal na sumalubong ay si OWWA Executive Mocha Uson.
Sa isang panayam, sinabi ni Uson na ramdam niya ang pagseserbisyo sa bansa lalo na ang mga OFW na nagkaproblema sa kanilang mga trabaho.
Aniya, isang pribilehiyo ang maging kabahagi ng OWWA at makatrabaho niya si OWWA Administrator Hans Leo Cacdac.
Inalala rin ni Uson na noong wala pa siya sa OWWA ay lagi nitong kinukulit si Cacdac sa rami ng mga problema na kanyang ipinapasa sa opisyal.
“Iipinapasa ko sa kanya ang mga OFW Concerns tapos agarang umaaksiyon naman siya (Cacdac)” ayong kay Uson. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM