597 BAGONG ABOGADO SA PAO

PAO Chief Persida Acosta

AABOT  sa 597 na mga bagong abogado ang madadagdag sa Public Attorney’s Office.

Sa pagdinig ng pambansang pondo sa 2019, sinabi ni PAO Chief Persida Acosta na aprubado na ni Pangulong Duterte noon pang nakaraang taon ang mga dagdag na items sa PAO.

Ang dagdag na mga abogado ay alinsunod na rin sa utos ng Pangulo na gawing 1:1 ang ratio ng abogado sa mga kliyente ng PAO.

Dahil sa mga dagdag na abogado, tumaas ng 34.34% ang budget ng PAO sa 2019 o P4.295 million mula sa kasalukuyang budget na P3.197 million.

Paliwanag pa ni Acosta, ang dagdag na budget sa PAO ay para sa sahod ng additional items o empleyado ng ahensiya.

Sa Lunes, nakatakdang manumpa ang mga bagong abogado na magsisilbi sa PAO. CONDE BATAC

Comments are closed.