5G ‘DI MAPANGANIB SA KALUSUGAN – EXPERTS

HABANG gumagamit ang mundo ng teknolohiya upang harapin ang ‘new normal’,  matindi rin ang pagsisikap na siraan ang teknolohiya at maghasik ng takot sa mga tao.

Ang mga sumusulpot na teknolohiyang ito ay laging paboritong paksa ng mga malisyoso at walang batayang pahayag. Kamakailan, ang 5G ay naging paksa ng naturang mga pahayag sa iba’t ibang bahagi ng mundo, kabilang ang United States at sa Europa.

Ang 5G ang pinakabagong wireless internet connectivity na nangangako ng mas mabilis, mas mataas na bandwidth, at mas matatag na internet connections kumpara sa 4G.

Mapanganib ba ang 5G sa kalusugan ng mga tao?

Sa pahayag ng World Health Organization (WHO), hindi pa napatutunayan na may masamang epekto sa kalusugan ang pagkakabantad sa 5G o sa anumang wireless technology hanggang sa kasalukuyan.

Sa isang artikulo na inilathala kamakailan ng The Guardian ng UK, iginiit ng International Commission on Non-Ionizing Radiation Protection (ICNIRP), ang international body na nangangasiwa sa pagtatakda ng limits sa exposure sa radiation, na ligtas ang 5G.

Ang  ICNIRP ay isang German-based scientific body na nag-aaral sa health risks ng radio broadcasts.  Nanawagan ito para sa bagong guidelines sa  millimeter-wave 5G, ang most high-frequency version ng telecommunications standard.

Base sa  norms na itinakda ng ICNIRP, ang standards na ipinatutupad sa United States at sa lalong madaling panahon ay sa Europe ay lalo pang pinaghusay para sa dagdag na kaligtasan.

“5G wireless standard uses beam-foaming technology which allows radiofrequency electromagnetic fields (RF EMF)  ‘to be focused to the region where it is needed,’ meaning it won’t be spread all through a large area. This will allow, for example, the same RF EMF frequencies to be sent to different users concurrently without interfering with one another, which increases communication rates because the frequency band does not need to be shared between users,” paliwanag ng ICNIRP.

“We know parts of the community are concerned about the safety of 5G and we hope the updated guidelines will put people at ease,” wika ni Dr. Eric van Rongen, chair ng ICNIRP.

Kapwa binigyang-diin ng WHO at ng ICNIRP na ang 5G ay hindi banta sa kalusugan hanggang ang overall exposure ay tumutugon sa below international guidelines.

“Currently, exposure from 5G infrastructures at around 3.5 GHz is similar to that from existing mobile phone base stations. With the use of multiple beams from 5G antennas, exposure could be more variable as a function of location of the users and their usage,” paliwanag pa ng WHO.

Ibinahagi rin ng local experts ang kanilang mga opinyon sa bagay na ito, Ayon kay Dr. Gladys R. Cabrera, Health Physicist IV ng Department of Health, magmula noong 2001,  nanindigan ang DOH na wala pang napatutunayan sa pag-aaral na nagiging sanhi ng cancer ang mga cell site.

“Cell sites do not cause adverse side effects. It is harmless,” aniya.

Sinusugan ito ng isang respetadong oncologist, si Dr. Johanna Cañal, VP ng Philippine Radiology Oncology Society, sa pagsasabing ang proximity sa cell sites ay hindi nagdudulot ng anumang kilalang health risks, taliwas sa paniniwala ng maraming homeowners associations.

“Texting while driving or walking will cause more harm than radiation from cell phone use or cell tower. So far, the science says, there is no evidence to say that cell phone use or a nearby cell tower causes cancer,” dagdag pa niya.

Comments are closed.