MAGPAPALABAS ng hindi bababa sa 5,000 driver’s license card ang Land Transportation Office (LTO) bago ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa Hulyo 24.
Sa isang press briefing, sinabi ni LTO Officer-in-Charge Assistant Secretary Hector Villacorta, na inaasahan nila na maglalabas ng 15,000 hanggang 30,000 card araw-araw sa loob ng 10 araw ang Banner Plasticard, Inc. bilang bahagi ng pangako nitong maghatid ng isang milyong card sa susunod na 60 araw.
“Just maybe 5,000 copies. The paper will surely out of date because the production of license cards will start with 15,000 to 30,000 plastic cards a day within 10 days and the promise is within 60 days they can make 1 million plastic cards so the issue of lack of supply for plastic cards will be history,” ayon kay Asec. Villacorta.
Ipinaliwanag ni Villacorta na ang unang batch ng mga license card ay ipapamahagi sa mga overseas Filipino workers (OFW) at mga bagong driver’s license applicants.
“Actually ang nauuna is OFWs and Student Driver’s Permit that mature into Non-pro or Professional license,” anang opisyal.
Siniguro rin ng opisyal na ang Banner Plasticard, Inc., ay may kakayahang gumawa ng 15,000 hanggang 30,000 card araw-araw.
“I’ve seen the factory here in Pasig and they showed me that they can do 15,000 to 30,000 copies everyday,” giit ni Villacorta.
Sa kabilang banda, sinabi rin nito na maaari nang ma-access ng driver’s license holders ang kanilang electronic copies of licenses sa pamamagitan ng LTMS Portal. BENEDICT ABAYGAR, JR.