NANGANGAILANGAN pa rin ng malaking bilang ng mga doktor at nurse sa government hospitals.
Sa pagdinig ng House Committee on Civil Service and Professional Regulation, sinabi ni Health Asst. Secretary Kenneth Ronquillo na nasa 5,521 na mga doktor at nurse ang kailangan sa mga ospital ng gobyerno para tugunan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit ng COVID-19.
Ayon kay Ronquillo, nakaapekto nang husto sa augmentation ng mga doktor at nurse ang pagpapaliban noong Marso hanggang Hunyo sa licensure exam ng Professional Regulation Commission (PRC).
Dahil sa na-postpone na board exam ay hirap ngayon ang mga government hospital na makakuha ng dagdag na workforce para sa COVID-19 response.
Aniya, nagsagawa na sila noong Abril ng emergency hiring ng mga medical profes-sional pero sa 882 na kailangang medical officers ay 344 lamang hanggang sa nga-yon ang nag-apply sa mga ospital, treatment at temporary monitoring facilities ng pa-mahalaan.
Batay sa requirement ng human resources for health, ang kinakailangang government doctors ngayon ay 4,430 habang 9,590 naman sa mga nurse.
Sakaling matuloy ang licensure exam para sa physicians, midwives, nurses mula Setyembre hanggang Nobyembre ngayong taon ay pinaglalatag ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang PRC ng health standards na ipatutupad sa eksaminasyon.
Partikular na pinakokonsidera sa PRC sa pagsasagawa ng exam ang epidemiological context, risk factor ng posibleng pagkalat ng virus at capacity and control measures. CONDE BATAC
Comments are closed.