5K HEALTH WORKERS,  FRONTLINERS NASERBISYUHAN SA FREE RIDE NG PNP

PNP Spokesperson Col Bernard Banac

CAMP CRAME-NASA 5,000 mga health worker at iba pang frontliner ang natulungan ng Philippine National Police (PNP) ngayong umiiral ang Enhanced Community Quarantine sa Luzon.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, nagsimula ang libreng sakay program ng PNP noong Marso 19 para tulungang makapunta sa kanilang mga trabaho ang health workers at iba pang frontliners na walang sasakyan.

Aniya, magtatagal ang libreng sakay program ng PNP hanggang hindi pa inaalis ang umiiral na community quarantine.

Ang ruta ng libreng sakay ay ang unang sasakyan sa Camp Crame hanggang Novaliches Bayan at vice versa, pangalawang sasakyan ay sa Camp Crame hanggang Antipolo via Marcos Highway vice versa, pangatlong sasakyan Camp Crame hanggang Bacoor Cavite via EDSA at Pa-rañaque Service road vice versa.

Ruta naman ng pang-apat na sasakyan ay Camp Crame hanggang Valenzuela via EDSA at vice versa.

Mahigpit namang ipinatutupad sa loob ng sasakyan ang social distancing. REA SARMIENTO

Comments are closed.