5K NADAGDAG SA COVID-19 CASES

DOH

MULING  nakapagtala ng record high ang Department of Health  ng pinakamaraming naitalang bagong kaso ng COVID 19 sa bansa

Batay sa 4pm bulletin ng DOH, pumalo sa 5,000 ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID 19 sa bansa dahilan upang umakyat na sa 616,611 ang kabuuang bilang ng kaso ng virus.

Mula sa nasabing bilang, aabot sa 56,679 ang aktibong kaso makaraang madagdagan ng 281 ang bilang  ng mga gumaling sa sakit dahilan para umakyat naman sa 547,166 ang total recoveries.

Gayunman, may 71 na  nadagdag sa bilang ng mga nasawi dahil sa sakit kaya’t umakyat na sa 12,766 ang total death toll sa bansa dahil sa COVID- 19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *